JUDO TECHNIQUE GINAMIT NG MGA GURO SA LALAKING NANGGULO SA PAARALAN SA SAITAMA
Ginamitan ng judo technique ng tatlong guro mula sa Takane Junior High School sa Hidaka, Saitama Prefecture ang lalaki, na kinilalang si Norihito Kurihara, 37, na pumasok nang walang pahintulot sa paaralan at nanakit ng mga papauwing estudyante gamit ang ispada na gawa sa bamboo.
Ayon sa ulat ng The Mainichi, pumasok si Kurihara sa paaralan bandang alas-4:30 ng hapon noong Oktubre 19 at nagsimulang manggulo at maging marahas. Tatlong estudyante ang dinala sa ospital na nagtamo ng sugat sa ulo at kamay.
Dalawang guro ang gumamit ng judo technique at “sasumata” habang hawak ng isa pang guro ang ang suspek upang pigilan ang pagwawala nito. Agad na inaresto ng Hanno Police si Kurihara dahil sa walang pahintulot na pagpasok sa paaralan at panggugulo.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa