170 PUSA NATAGPUAN SA ISANG BAHAY SA TAKASAKI
Payat na payat at nanghihina ang halos 170 pusa na natagpuan sa isang bahay sa Takasaki sa Gunma matapos na magkasakit at dalhin sa ospital ang nagmamay-ari sa mga ito simula noong Agosto.
Sa ulat ng Kyodo News, natagpuan ang mga naabandonang pusa ng Gunma Wan Nyab Network, isang organisasyon, matapos na ipagbigay-alam ito ng kamag-anak ng may-ari noong Setyembre 7.
Kinuha ng organisasyon ang halos kalahati ng mga pusa habang naghahanap pa sila ng ilan na nais mag-alaga pansamantala sa mga iba pang mga pusa. Ibibigay muli sa may-ari ang mga pusa sa oras na gumaling na ito sa kanyang sakit.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East