CHINESE DRAGON GANG ITINUTURONG SUSPEK SA PANGGUGULO SA TOKYO RESTAURANT
Pinaghihinalaan ng mga pulis ang Chinese Dragon, isang gang sa Japan na ang ilan sa mga miyembro ay may ninunong Japanese na may kaugnayan sa mga naiwan sa China pagkaraan ng World War II, na nag-umpisa ng gulo sa isang restaurant na matatagpuan sa ika-58 palapag ng Sunshine 60 sa Ikeburo shopping district.
Sa ulat ng NHK World-Japan, nagkaroon ng pagdiriwang ang gang sa restaurant, kung saan halos nasa 100 ang dumalo, nang mangyari ang gulo. Hindi pa natutukoy kung ano ang pinagmulan ng panggugulo.
Pinaniniwalaan na may kinalaman ang Chinese Dragon sa ilang sindikato at ilan sa mga miyembro nito ay naaresto na dahil sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa