HEALTH INSURANCE CARD PLANONG ISAMA SA MY NUMBER CARD SIMULA 2024
Plano ng gobyerno ng Japan na tanggalin na ang kasalukuyang health insurance card system sa 2024 at isama na lamang ito sa My Number social security and taxation identification card system, batay sa ulat ng Jiji Press.
Layon nito na hikayatin ang mga mamamayan ng Japan na gamitin ang kanilang My Number cards lalo na’t nag-umpisa nang payagan ng gobyerno ang paggamit nito bilang health insurance certificates simula Oktubre 2021.
Maaaring gamitin ang My Number card bilang identipikasyon sa mga devices na naka-install sa mga institusyong pang-medikal at mga botika sa bansa. Maaari rin itong gamitin para makita ang mga iniresetang gamot sa nakatalagang website.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.28MGA AMUSEMENT PARKS SA JAPAN, NAGTAAS NG PRESYO NG TICKET
News(Tagalog)2023.03.28SAKADO CITY, MAGBIBIGAY NG 2,000 YEN BAWAT RESIDENTE PAMBILI NG HELMET
News(Tagalog)2023.03.27MGA DAYUHANG RESIDENTE SA JAPAN, MAS DUMAMI
News(Tagalog)2023.03.27JAPANESE PASSPORT RENEWAL, ONLINE NA