CAREGIVER NA NAGNAKAW UMANO NG 500,000 YEN SA PASYENTE ARESTADO
Inaresto ng Tokyo Police ang isang home-visit caregiver sa hinalang ninakaw umano nito ang cash card ng kanyang pasyente at nag-withdraw ng 500,000 yen Agosto noong nakaraang taon.
Ayon sa mga pulis, inamin ni Hiroyasu Fukushima, 58, empleyado ng Home-Visit Nursing Station Nadeshiko Adachi sa Adachi Ward sa Tokyo, ang pagnanakaw mula sa bank account ng biktima, 49, saad sa ulat ng Kyodo.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, gumamit ang suspek ng duplicate key para mapasok ang bahay ng biktima habang ito ay wala sa bahay at sumasailalim sa rehabilitasyon.
Sinabi ng mga pulis na may severe disability ang biktima kaya hirap ito sa paggalaw ng katawan at pagsasalita.Dagdag pa nila, tinuro ng biktima sa suspek kung saan nakalagay ang kanyang cash card at ang kanyang pin number para malaman ang balanse sa kanyang bank account.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023/11/29FUYUHIDA BUS TABI CAMPAIGN, SISIMULAN NGAYONG DISYEMBRE
News(Tagalog)2023/11/2862% NG JAPANESE WORKERS AY GUMAMIT NG KANILANG PAID FAMILY LEAVE
blog2023/11/28TAXI APP “GO” STARTS SUPPORTING INBOUND TOURISTS, ALLOWING USE OF OVERSEAS ISSUED CREDIT CARDS AND MOBILE NUMBERS
News(Tagalog)2023/11/28HOTEL SATISFACTION SURVEY 2023