今週の動画

PINADALING LEGAL PROCESS PARA MATUKOY ANG MGA CYBERBULLIES, PINATUPAD NG JAPAN

Pinatupad ng gobyerno ng Japan ang nirebisang batas na layong pagaanin ang legal na proseso para matukoy ang mga cyberbullies sa bansa.

Layon ng nirebisang batas na ito na pag-isahin ang pagdedemanda sa social media operator at internet provider upang mapaikli at mapabilis ang proseso.

Sinabi ni Ayano Kunimitsu, ang parliamentary vice minister for internal affairs and communications, na hangad ng nirebisang batas na suportahan ang mga biktima ng pang-iinsulto at human rights violations, saad sa ulat ng Kyodo.

Follow me!