TYPHOON NUMBER 14 (Nan Madol) AY INAASAHANG TATAMA SA ISLA NG JAPAN
Typhoon number 14 (Nan Madol) ay inaasahang tatama sa Okinawa Prefecture, Amami region ng Kagoshima Prefecture at katimugang bahagi ng Kyushu ngayong Biyernes hanggang Sabado ayon sa report ng weather authority ng Japan.
Ang bagyong Nan Madol ay naglalakbay pakanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras sa Karagatang Pasipiko sa timog ng Japan. Inaasahang ito ay makakaapekto din sa silangan at hilagang Japan.
Ayon sa Weather News Japan, ang bagyo ay tinatayang may may hanging aabot sa 108 kilometro bawat oras sa rehiyon ng Amami hanggang Sabado at 90 kilometro bawat oras naman sa Okinawa at katimugang bahagi ng Kyushu.
Inaasahan din magiging maalon ang dagat sa paligid ng mga lugar na tatamaan ng bagyo. Maaring umabot sa 120mm ng ulan sa Okinawa at 100mm naman sa Kyushu.
Pinag-iingat ang lahat mula sa pagbugso ng hangin, mataas na alon at maaring pagguho ng lupa at baha.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa